back to top

21 Nakakasawang Comments Galing Sa Mga Ignoranteng Tao

ANG KULIT MO.

Posted on

1. “Pilipinas? San ‘yun?”

ABS-CBN / Via youtube.com

Gusto mo sanang sagutin ng: Sa Asia, beh. 'Di mo mahanap sa mapa, ka dami-dami ng isla, 7107 nga eh.

2. “Weird naman. ‘Di ko masabi kung anong klaseng Asian ka.”

ABS-CBN / Via viceganda.jennibailey.com

Gusto mo sanang sagutin ng: Ay taray, ginawang guessing game ‘yung lahi ko. Anong premyo? Good manners and right conduct?

3. “Medyo maitim ka para sa isang Asian."

giphy.com

Gusto mo sanang sagutin ng: Ah, oo, ano kasi, nangitim ako kakatanim ng palay sa bukid namin.

4. “Teka… parang mas mukha kang Chinese/Japanese/Thai/etc.”

ABS-CBN / Via youtube.com

Gusto mo sanang sagutin ng: Ay, ikaw na pipili? Parang kung san ka kakain mamaya, ganern?

5. “Pero ‘di naman talaga Asian ang mga Pinoy, ‘di ba?”

youtube.com

Gusto mo sanang sagutin ng: Uhm, nasa Asia ang Pilipinas. Kaya puwedeng mag-identify na Asian ang mga Pilipino at Pilipina. Ganon kasimple.

6. “Eh bakit hindi ka singkit?”

Logo / Via missosology.info

Gusto mo sanang sagutin ng: >_____> K na beh?

7. “Kung Asian ka, bakit tunog Spanish ‘yung pangalan mo?”

ABS-CBN / Via youtube.com

Gusto mo sanang sagutin ng: Gusto mo bang lecture-an kita tungkol sa pananakop ng mga Espanyol, o ano?

8. “Pero may Asian glow ka 'pag lasing?”

ABC Family / Via danysalternate.tumblr.com

Gusto mo sanang sagutin ng: OO, PERO HINDI ‘YUN ‘YUNG POINT.

9. “May kilala akong Pinoy! Kilala mo si [pangalan dito]?”

Web Therapy / Via teen.com

Gusto mo sanang sagutin ng: Well, merong 100 milyong Pinoy sa Pilipinas, tsaka meron pang 13 milyon sa ibang bansa. Sa tingin mo ba talaga kilala ko ‘yung dati n’yong kapitbahay na binigyan kayo ng pansit? Imbyerna.

10. “Oo, nurse s’ya. Nurse ka rin ba?”

Logo / Via pervingonkpop.tumblr.com

Gusto mo sanang sagutin ng: Oo naman! Dahil sa Transitive Property of the Philippines (TPP, diba?), registered nurse rin ako — tsaka doktor, abogado, engineer, scientist, taga gawa ng sapatos, suking tindahan. LAHAT NA!

11. “Pinoy ka talaga? Eh, ang ganda/guwapo mo naman!”

ABC / Via tatianamaslany-rpc.tumblr.com

Gusto mo sanang sagutin ng: Aww, talaga ba? Nakakatuwa naman na tingin mo maganda/guwapo ako ayon sa Western standards of beauty mo!

12. “Mahilig ako sa mga Pinoy. Mababait kasi tsaka malalambing.”

ABS-CBN / Via youtube.com

Gusto mo sanang sagutin ng: Wag kang bumilib masyado. Dahil ‘yan sa mga nanay nila.

13. “Mahilig ako sa mga Pinay. Mahiyain sila tapos tahimik lang.”

ABS-CBN / Via youtube.com

Gusto mo sanang sagutin ng: Naku, wag kang bumilib masyado. Dahil ‘yan sa lecheng patriarchy.

14. “May naka-date akong Pinoy nung college.”

Fox / Via wifflegif.com

Gusto mo sanang sagutin ng: Ako din. Nagpa-fiesta nga kami sa bahay eh.

15. “Ah, may alam akong salitang Filipino: Mabuhay!”

Fox / Via mckinleysoapcompany.tumblr.com

Gusto mo sanang sagutin ng: *irap* Hello.

16. “Bakit ang galing mong mag-English?”

pinoy-culture.tumblr.com

Gusto mo sanang sagutin ng: Bale, inaral ko sa school, naririnig ko sa bahay, nababasa ko sa mga libro at dyaryo, napapanood sa TV. Eh ikaw, bakit mali-mali grammar mo?

17. “Ano ‘yung baby duck egg ba ‘yun? Kadiri.”

vnessa-rpc.tumblr.com

Gusto mo sanang sagutin ng: Ah, balut? Wag kang OA, masarap ‘yun. Tikman mo.

18. “Pero kumakain ba talaga kayo ng aso?”

pinoy-culture.tumblr.com

Gusto mo sanang sagutin ng: Well, ako kasi, pusa lang diet ko.

19. “So ‘yung pamilya mo sa Pilipinas, sa bundok sila nakatira? O mga puno, ganon?”

ITV / Via hijacked.com.au

Gusto mo sanang sagutin ng: Duh! ‘Yung lupain namin nasa gilid ng bangin, tapos may treehouse ako sa bakuran. Kaya mo ‘yon?

20. “Pero ang dami nang Pilipino sa America! Wala na ba kayong mapaglagyan sa Pilipinas?”

ABS-CBN / Via youtube.com

Gusto mo sanang sagutin ng: American Dream, dibuh? ¯\_(ツ)_/¯

21. “Legal ka ba? May papeles ka?”

fanpop.com

Gusto mo sanang sagutin ng: Pakyu. As in.

Top trending videos

Watch more BuzzFeed Video Caret right

Top trending videos

Watch more BuzzFeed Video Caret right