Skip To Content
    Updated on Dec 8, 2019. Posted on Nov 27, 2017

    21 Truly Annoying Things People Do At The Office

    Minsan, you're the worst.

    1. Nagpapatugtog ka pero 'di ka naka-earphones.

    Badtrip itong officemate ko. Lakas makapagpatugtog ng music. Literal na MALAKAS. Anong tingin mo sa opisina natin? Jeep ng Montalban? 🤨

    Twitter: @RAMmageable / Via Twitter: @RAMmageable

    2. Or naka-earphones ka nga pero kinakanta mo naman nang malakas.

    GMA News

    Mamaya ka na mag-videoke please.

    3. Saying "OMG I had the most amazing weekend!" and kinukwento mo pa rin kahit Thursday na.

    YouTube: The Aquinos / Via youtube.com

    4. Yung kalat sa desk mo, naglalakbay na papunta sa desk ng iba.

    GMA-7

    Sarap isampal sa 'yo yung kalat mo.

    5. Mas inaatupag mo pa yung sideline mong tindahan kesa sa trabaho mo.

    YouTube: Sutpurusa Alhakeem / Via youtube.com

    Nagpa-panic kang itago yung tiangge mo para 'di makita ni boss.

    6. Kakasweldo lang last week pero nagtatanong ka na kung may sweldo na ba.

    YouTube: 6cyclemindVEVO / Buzzfeed / Via youtube.com

    Malayo pa yung sweldo. Don't remind us kasi malulungkot lang kami.

    7. Hindi mo hinuhugasan yung pinagkainan mo kaya iniipis na yung mesa mo.

    Procter & Gamble

    Kadiri.

    8. Yung may hinahabol na ngang deadline pero daldal ka pa rin nang daldal.

    GMA-7

    Sarap mong tampalin.

    9. It takes you a loooong time to get out of the office bathroom.

    Yung officemate mong everyday pumapasok para tumambay lang sa CR. There's a special place in hell for people like you. 🙄

    Twitter: @chelgener / Via Twitter: @chelgener

    10. Paglabas mo sa CR, naaamoy pa rin yung krimen na ginawa mo.

    YouTube: ABS-CBN Entertainment / Via youtube.com

    11. Tanong ka nang tanong kung anong oras na kapag malapit na ang uwian.

    Star Cinema

    Please, kumalma ka.

    12. Kwento mo to anyone within earshot: "Ay grabe, I had a long day yesterday. I came in at 7AM for a meeting, tapos ang daming deadlines kaya 10PM na ako nakauwi. Sobrang pagod, pero okay lang, I love my job naman."

    YouTube: philstar / Via youtube.com

    Gusto mo ng medal?

    13. Katabi mo na yung nagri-ring na telepono pero 'di mo sinasagot. Kailangan bang ilagay sa job description mo 'yan?

    ABS-CBN

    Wag kang aalis diyan hanggang hindi mo nasasagot. Or else.

    14. Kuha ka nang kuha ng gamit sa ibang station nang walang paalam, tapos 'di mo ibabalik.

    KUNG SINO MAN NAG NAKAW NG NAIL CUTTER KO SA OFFICE; I WILL HURT YOU.

    Twitter: @loganbrandish / Via Twitter: @loganbrandish

    15. Kaka-send mo lang ng email tapos tatawag ka kaagad to follow up.

    ABS-CBN

    Kung nagmamadali ka eh 'di ikaw na lang gumawa.

    16. Nangangantiyaw ka nang pa-blowout 'pag may nag-birthday. Tapos pag birthday mo na, a-absent ka para makatipid.

    YouTube: GMA Network / Via youtube.com

    17. Tahimik ka lang sa meetings pero pagkatapos ang dami mong kuda.

    Star Cinema

    Bakit hindi mo 'yan sinabi kanina?

    18. Torrent ka pa nang torrent e gumagapang na nga yung internet.

    ABS-CBN

    19. Naiinitan ka kamo kaya lagi mong pinapalagay sa coldest setting ang aircon. Tapos magsusuot ka nang makapal na jacket.

    GMA-7

    Gusto mo ba kaming magkasakit?

    20. Ikaw lang yung nagda-diet pero pinapakialaman mo rin yung pagkain ng mga katrabaho mo.

    ABS-CBN

    21. Lastly, lagi kang nagpaparinig sa Facebook about your "annoying" officemates, as if you're the perfect employee.

    ABS-CBN

    ;)

    BuzzFeed Daily

    Keep up with the latest daily buzz with the BuzzFeed Daily newsletter!

    Newsletter signup form